Mga pamamaraan sa pagunawa sa pagbasa tungo sa paglikha ng programang interbensyon.

Type
Thesis
Authors
Marcaida ( Gemma )
 
Category
 
Pages
59 
Abstract
"Kung ang pisikal na katawan ay kumakain ng mga pagkain upang lumakas, itinuturing na pagkain ng utak ang pagbabasa upang maging kalakasang intelektwal ng tao". (Aguilar, 2010)

Ang pagbasa ay ang kakayahang kumilala at umunawa sa mga salitang nakalimbag na may kaakibat o kaalinsabay ng mga kilos ng isipan upang lagumin at makabuo ng mensaheng nais Ang pagbasa ay kakawing ng pag-unawa sa pagbasa, kung bumabasa ang isang tao, ay hinidi nauunawaan ang binabasa, walang saysay ang kanyang ginawa. Ito ay kasanayang dapat na malinang sa isang tao, partikular sa mga mag-aaral kaya ito ay pormal na sinisimulan sa mababang paaralan upang lubos na mahasa sa kasanayan sa pagbasa, dahil isa ito sa mga kasanayang magagamit sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Ang
kaligayahang natamo ng tao sa pagbabasa ay nakatutulong upang maging malawak sa karanasa at kaalaman.

Nakatutulong ito, nang higit sa pagiging ganap na tao. Ngunit sa paanong paraan mahahasa ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral gayong halos ayaw ng tunghayan o buksan ng mga mag -aaral ang kanilang aklat. Ang dahilan ay ang mga akdang pampamitikan na madalas ay mahaba at makapal ang pisikal na anyo ng aklat. Sa kanilang paniniwala, magiging kabagut-bagot ang pagbasa kung sisimulan nila itong basahin. Nariyan din ang "social media" na umaagaw ng pansin at interes sa pagbasa dahil na rin sa makabagong paraan ng paghatid ng babasahin gaya ng Facebook, Tweeter, E-Book, at Cellpone. Ang mga ito ay ginagamitan din ng pagbasa subalit ayon kay Burton (2012), sa artikulong inilathala niya sa Ragan.com. ang mga nabanggit na "social media" ay nagiging daan ng pagkawala ng wastong gamit ng gramatika, wastong bantas at madalas na pagkakamali ng baybay ng mga salita at ang hindi wastong paggamit ng maliit at malaking titik sa pagbuo ng mga pangungusap. Dahilan din ito ng mababang resulta sa pagkuha ng pagsusulit dahil sa mahinang komprehensyon sapagkat mababaw ang kasanayan sa pangangatwiran at pagbuo ng magkakaugnay na mensahe na nakasulat ng pormal.

Ang" tesckspeak" o pagpapaikli at pagbabago ng baybay gaya ng "hu u" mula sa salitang who you" at "gud" mula sa salitang "good", gayundin ang "meet" na ginawang "mit" ay palasak na ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon ng mga mag- aaral gamit ang celpon. Ang paggamit ng inisyal gaya ng "LOL" na ang ibig sabihin ay " Laugh Out Loud", "OTW", on the way at iba pang makabagong baybay na nakasanayan ng mga mag-aaral ay kadalasang nakaapekto sa pagsulat at komprehensyon sapagkat dala-dala nila ito sa paaralan na ang nagiging bunga ay mahinang pundasyon sa kaalamang bokabularyo at semantika. Cingle (2012).

Isa pa, nahirati na sila sa informal na komunikasyon na dala ng social media, Agresta, (2015). Nauso ang mga salitang pinagsasama ang dalawang lengwahe (Ingles at Filipino) gaya ng Magandang morning, wer na u?, klasmeyt, can u make urong naman ur chair at marami pang ibang mga ginagamit ng kabataan sa kasalukuyan. Tinatanggap nila ang mga ito lalo pa at madaling bigkasin at naiintindihan nila nang mas malinaw pa sa tuwid na Filipino. Ang paggamit ng numero upang mabuo ang salita ay naging popular din sa pagpapadala ng mensahe sa text. Halimbawa nito ay ang mga sumusunod d2 na me, na dapat ay "andito na ako" w8, mula sa salitang "wait" o sa Filipino ay " sandali lamang", b4 na nangangahulugang " bago pa".

Dagdag pa natin ang mga paggamit ng Jejemon gaya ng, 30w phow, muZtAh nA?, na ang kahulugan sa Filipino ay " Hello po, kumusta na?, at sa Ingles ay "Hello, how are you?", ¡MisząckyuH na ang ibig sabihin sa Ingles ay "I miss you".

Sino ba naman ang hindi malilito sa ganitong estilo at wikain na ginagamit sa paghahatid ng mensahe sa text at kapag tinunghayan ay nabubuo ang proseso ng pagbasa? Nahirati ang bumabasa sa ganito kababaw na pagkabuo ng pangungusap na ang bunga ay ang mahinang pagproseso ng isip tungo sa maunawang pagbasa ng mga aralin sa paaralan. Dahil dito, ninais tuklasin ng mananaliksik ang mga estratehiyang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa pag-unawa sa pagbasa upang maging patnubay sa pagbuo ng programang interbensyon upang muling manumbalik ang kakayahang umunawa ng mga mag-aaral sa kahulugan ng mga salita, pagkuha ng mensahe at paghinuha sa kabuuang konsepto ng isang teksto. 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.