Dicto comp. isang pamamafraan sa pagsulat ng sariling katha

Type
Thesis
Authors
Alcantara ( Imelda )
 
Category
 
Pages
114 
Abstract
Ang kabuuan ng manuskritong ito ay naglalahad ukol sa mabigat

na suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino partikular ang pagtuturo sa pagsulat ng komposisyon. Bagama't naglalabasan ang ibat-ibang mga pamaraan sa masining ng pagtuturo ng pasulat ay hindi pa rin maitatatwa na hanggang sa kasalukuyan tinik pa rin sa mga guro at sa mga mag-aaral ang nasabing suliranin ang pagsulat ng komposisyon. Dahil dito ang mananaliksik ay nagtalaga ng paraang "Dicto Comp.". Ang "Dicto Comp." ay isang pamamaraan na tinuklas ng mananaliksik upang makatulong sa mga guro at higit sa lahat sa panig ng mag-aaral sa pagsulat ng sariling katha o komposisyon. Ang paggamit ng estratehiyang ito ay sa pamamagitan ng pagre-record sa isang tape ng talata na nais ipasulat sa sariling katha ng guro sa mga mag-aaral. Ang talatang nai-record sa isang tape ng guro ay ang talatang pakikinggan ng mga mag-aaral na magiging gabay naman sa paglikha o pagbuo sa pagsulat ng sariling katha, bago naman ito iparinig bigyan muna ng pangganyak na magsisilbing pambuhay sa mga natutulog na kaisipan o ang tinatawag na pagkuha ng interes ng mga mag-aaral upang pakinggan ang naka-record na talata. Kung sa pagtataya ng guro na ang mag-aaral ay handa na, gising na ang mga diwa upang pakinggan ang talatang naka-record dito pa lamang iparirinig ang inihandang talata na naka-record sa tape. Iparinig sa mag-aaral ng tatlo (3) o apat (4) na beses ang talata matapos mapakinggan ng mga mag-aaral ang naka-record na talata, talakayin ang talatang ipinarinig sa mga mag-aaral matapos talakayin ang napakinggang talata, ipaalala ng guro ang pamantayan sa pagsulat ng talata at saka pasulatin ang mga mag-aaral ng isang katha o komposisyon ayon sa napakinggang talata. Dapat gabayan ang mga mag- aaral na magamit ang malayang pag-iisip ayon sa sariling ideya o kuru-kuro at tiyakin ang mga mag-aaral ay makakasulat ng sariling katha na hindi malilihis at may kaugnayan sa talatang napakinggan. 
Number of Copies

REVIEWS (0) -

No reviews posted yet.

WRITE A REVIEW

Please login to write a review.